Panaghoy
Hindi makakilos
Hindi makapagisip
Tulala na parang lumulutang
Kasama ang ulap ng pighati
Hindi malaman kung ano ang gagawin
Upang ang luha ay tumigil
Sa pagagos sa mukha
Nang hindi maipakita ang tunay na damdamin
Ang tanging dingin sa Poong Maykapal
Ay tumigil ang panaghoy ng pusong umaangal
Upang ang sakit sa dibdib ay tuluyang mapawi
Ng halik at yakap ng aking pagibig
Comments
Post a Comment